Ngayon araw ng Linggo, bilang ng gumaling mas mataas kumpara sa bagong COVID 19 cases

Kumpara kahapon mababa ang nadagdag na bilang ng mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa ngayon araw ng Linggo.

Sa inilabas na datos ng DOH, karagdagang 8,346 kaso ang kanilang naitala para maging 1,054,983 na ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso.

Samantala, may 9,072 naman na gumaling at 77 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa sakit.

Sa kabuuang bilang ng mga kaso, 6.8 porsiyento (71,472) ang aktibong kaso at 91.6 porsiyento (966,080) naman ang gumaling samantalang 1.65 porsiyento (17,431) ang namatay.

Inalis din ang 16 duplicate cases at 11 sa mga ito ay gumaling.

May 32 kaso naman na unang napaulat na gumaling ang naitala na namatay sa sakit.

 

Read more...