Special session hiniling kay Pangulong Duterte para maipasa ang ‘Ayuda Bill’

Inihirit kay Pangulong Duterte ni Hous deputy minority leader Carlos Zarate na magpatawag ng special session ng Congress para mapabilis ang pagpasa na inihaing P10,000 Ayuda Bill.

Gayundin ang panukala, ayon sa kinatawan ng Bayan Muna partylist group, na layon bgyan ng P100 kada araw na wage subsidy ang mga manggagawang apektado ng pandemya.

“Our workers are hungry and in dire need and the government should provide aid for them. After all, according to government data itself, President Duterte has borrowed billions of pesos for COVID response and it’s about time that these funds be given to those who need it most instead of useless projects like NTF-ELCAC,” sabi ni Zarate, na isa sa mga may-akda ng panukala.

Paliwanag pa niya ang P100 wage subsidy ay para lang maibalik sa mga manggawa ang halaga ng kanilang suweldo, na aniya ay paliit ng paliit ang halaga bunga ng mataas na halaga ng mga pangunahing bilihin.

“There is now a need to fast track this for the millions of families to have additional aid to weather this crisis. It is imperative, thus, that President Duterte should immediately call for a special session of Congress and certify the P100 wage subsidy and P10K ‘’Ayuda’’ bills as urgent,” sabi pa nito.

Read more...