Sen. Bong Go may babala sa pagbawi sa pondo ng NTF – ELCAC

Kontra si Senator Christopher Go sa gusto ng ilang kapwa senador na bawian ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Babala niya kapag ginawa ito ay madidiskaril ang ikinakasang anti-insurgency campaign ng gobyerno.

Sabi nito marami ng positibong pagbabago na naidulot ang NTF-ELCAC sa pamamagitan ng ibat-ibang programa at mababalewala ang lahat na ito kapag tinanggalan ito ng pondo.

“Maganda na po ang umpisa ng kampanya laban sa insurgency. Hindi po ako sang-ayon na sa kalagitnaan ng kampanya ay puputulin. Nandyan na po ‘yan sa budget. Maganda na ang takbo, ang intensyon po ng ELCAC,” dagdag pa ng senador.

Aniya, ngayon taon P16 bilyon ang inilaan para sa Support to Barangay Development Program ng NTF-ELCAC at pondohan ang mga proyekyto sa 822 barangays na naideklara ng ‘insurgency free.’

“Ang pondo para sa ELCAC, hindi para makipagpatayan. Ang pondo na ito ay tulong sa mga barangay para hikayatin sila na may maitulong sila sa komunidad nila,” sabi ng senador.

Samantala, pinuri ni Go ang medical volunteers sa Visayas na nagboluntaryong tumulong sa pakikipagharap sa sakit sa Metro Manila kasabay ng pagbubukas ng ika-105 Malasakit Center  sa Schistosomiasis Control and Research Hospital sa Palo, Leyte noong nakaraang Biyernes.

Read more...