Mahigit 200 ang unang nabiyayaan ng tulong-pinansiyal, na bahagi ng pagsusulong ng P10K Ayuda Bill ni Cayetano.
Ikinasa ang ‘Sampung Libong Pag-asa’ project ng grupo ni Cayetano sa Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Sta. Rosa City sa Laguna, Antipolo City sa Rizal, at Ormoc City sa Leyte.
“Mga tunay na tao ito na tunay ang problema, na bago magkaroon ng pandemya ay hirap na at ngayon ay hirap na hirap. Ilan lang ang nabigyan today at bagama’t maraming na-i-inspire na gusto ring tumulong, kailangan pa rin talaga natin itong batas na ito para lahat mabigyan,” ang bahagi ng mensahe ni Cayetano.
Umaasa si Cayetano na sa pagbubukas muli ng Kongreso sa Mayo 17 ay maipapasa na ang 10K Ayuda Bill, gayundin ang Bayanihan 3
“Sa hirap ng buhay ngayon, dapat lahat tayo ‘wag mawalan ng pag-asa [at] dapat maging inspirasyon sa ating mga kababayan. Kami naman sa Kongreso, kasama si Cong. Alan Peter, kasama naman na tumutulak na sana maging totoo ito sa lalong madaling panahon, itong P10,000 tinutulak namin,” sabi naman ni Villafuerte.
Sa panukala ni Cayetano nais niya na mabigyan ng P10,000 one-time cash assistance ang bawat pamilyang Filipino o P1,500 bawat miyembro ng pamilya kung anuman ang mas malaki.