Targeted house-to-house vaccination sa seniors, PWDs isinusulong ng partylist solon

Itinutulak ni Senior Citizens partylist Representative Rodolfo Ordanes ang house-to-house vaccination sa mga may kapansanan at nakakatanda.

Ngunit agad naman niyang nilinaw na hindi naman ito kinakailangan na maging malawakan agad dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon.

Ayon kay Ordanes maaring ikasa ang kanyang isinusulong sa mga lugar na mataas pa ang kaso ng COVID 19 bunsod na rin ng limitadong suplay ng bakuna.

Paliwanag pa nito, sa naturang paraan magiging mataas ang vaccination rate sa mga seniors citizens gayundin sa persons with disabilities (PWDs).

Magiging madali din para sa mga nakakatanda at may kapansanan kung sila ay mababakunahan sa kanilang bahay.

Hiniling ni Ordanes sa mga alkalde sa Metro Manila na maglaan ng sapat na bilang ng bakuna sa pagsasabing; “The LGUs just have to allocate some ample resources to make it happen on a targeted basis.”

Naniniwala ito na matutupad ang kanyang hinihiling at diin pa niya ito ay paghahanda na rin sa pagdating pa ng mas maraming bakuna sa huling bahagi ng taon.

Read more...