Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, 300 sa mga nag-apply ang natanggap na sa pinag-aplayan na trabaho.
Bukod dito aniya, may 13,651 ang kuwalipikado sa mga inaplayan nilang trabaho.
May 3,884 naman ang tinanggap na rin ngunit kinakailangan na magkumpleto ng mga hinihingi sa kanilang dokumento at kinakailangan na sumalang din sa interview at exam.
Bukod dito ang 217 na nag-apply ay sasailalim sa skills training ng TESDA at may 224 na kailangan magtungo sa Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE at 138 ang magtutungo sa Department of Trade and Industry para sa kanilang katanungan ukol sa pagnenegosyo.
Hinihintay pa ang ulat ng regional offices ng kagawaran para sa bilang ng kanilang naitalang online jobseekers.