May 73 Filipinos sa India ang nagpapagaling na ngayon sa COVID 19.
Ito ang ibinahagi ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr.
Sa ngayon ay nahaharap sa matiding health care system crisis ang India dahil sa libo-libo ang nadadagdag sa kanilang kaso kada araw at daan-daan ang namamatay.
Sinabi ni Bagatsing na may utos si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na ‘all out support’ ang ibibigay sa mga Filipino na nasa India.
Ayon sa opisyal may 1.350 documented Filipinos sa India, ngunit sa kanilang record may 2,000 hanggang 3,000 ang nasa naturang bansa.
Nananatiling sarado ang Embahada ng Pilipinas, ayon pa rin Bagatsing, ngunit ang kanilang pakikipag-komunikasyon sa mga Filipino ay tuloy-tuloy.
Nitong nakalipas na linggo, ibinahagi ni Bagatsing na dalawang Filipino ang nasawi na sa India dahil sa COVID 19.