Nagsuko ng ibat-ibang uri ng baril ang ilang lokal na opisyal ng tatlong bayan sa Lanao del Sur.
Sinabi ni AFP Western Mindanao Command commanding general, Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. ang mga isinukong baril ay isang .50 cal Barret sniper rifle, isang 7.62 mm sniper rifle, dalawang grenade launchers, isang KG9 machine pistol, isang 12 gauge shotgun at isang .38 revolver.
Aniya ang mga baril ay isinuko ng mga opisyal ng mga bayan ng Buadipuso Buntong, Ditsaan Ramain at Bubong sa Army 82nd Infantry Battalion headquarters sa bayan ng Saguiran.
Ikinatuwa ni Vinluan ang naging hakbang nga mga lokal na opisyal sa kampaniya laban sa mga ilegal na armas at aniya ang mga isinukong baril ay pawang hindi lisensiyado.
Ibinahagi naman ni Joint Task Force ZamPeLan commander Ma. Gen. Generoso Ponio na simula noong Enero, 23 baril na ang isinuko sa kanila at 15 sa mga ito ay pawang matataas na kalibre.