Luzon grid muling isinailalim sa yellow alert ngayong araw

INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ
INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ

Dahil sa manipis na reserba ng kuryente muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), simula alas 10:00 ng umaga ilalagay sa yellow alert ang Luzon Grid at tatagal ito hanggang alas 4:00 ng hapon.

Batay sa power outlook ng NGCP, mayroong 10,135MW na available capacity sa Luzon, nasa 9,746MW naman ang peak demand at 156MW lamang ang gross reserve.

Ang nasabing reserba ay mababa sa required lebel na 491MW.

Sa ilalim ng yellow alert, dahil sa manipis ang reserba ng kuryente ay posibleng maranasan ang power interruption kapag mayroong bumigay na planta.

Alas 2:00 ng hapon mamaya ang peak ng demand ng kuryente o sa nasabing oras inaasahang may pinakamaraming gagamit ng kuryente.

Payo ng Department of Energy, magtipid-tipid muna sa paggamit ng kuryente.

Malaking tulong sa kabawasan kung ang mga appliances na hindi naman ginagamit ay tatanggalin sa saksak.

 

Read more...