Ayon naman kay US Defense Sec. Ashton Carter, hindi naman nila nais na magkaroon ng insidenteng may kaugnayan sa agawan ng teritoryo dahil wala naman silang kinalaman doon.
Ani pa Carter, nirerespeto ng Amerika ang mga posisyon ng iba’t ibang bansa o partido sa nasabing isyu sa teritoryo.
Ang sa kanila lang aniya, nais lang nila na maging maayos, mapayapa, at alinsunod sa batas ang anumang mga gagawing hakbang kaugnay sa isyung ito.
Sinimulan na ng Estados Unidos at Pilipinas ang joint patrol operations sa South China Sea.
Mayroong nasa 300 sundalong Amerikano ang mananatili sa bansa kahit tapos na ang Balikatan exercises hanggang sa katapusan ng buwang ito para maisakatuparan ang pagpapatrulya.