India, nakapagtala ng bagong highest daily tally na 386,452 COVID-19 cases

Reuters photo

Muling nakapagtala ang India ng bagong highest daily tally ng kaso ng COVID-19.

Sa datos ng health ministry ng nasabing bansa, nasa 386,452 ang bagong naitalang kaso ng nakakahawang sakit.

Dahil dito, sumampa na sa 18,762,976 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa India.

Samantala, 3,498 naman ang nasawi sa nakalipas na 24 oras.

Read more...