BREAKING: Naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas, umabot na sa 1,037,460, 8,748 ang nadagdag

Lagpas sa 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (April 30), pumalo na sa 1,037,460 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 73,908 o 7.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,748 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

95.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.7 porsyento ang asymptomatic; 0.87 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 89 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 17,234 o 1.66 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,143 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 946,318 o 91.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...