Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gagawin ang pagsasaayos simula 11:00, Biyernes ng gabi, April 30.
Narito ang mga apektadong kalsada:
EDSA – Northbound:
– EDSA malapit sa Kaingin Road, Quezon City
– EDSA, Quezon Avenue sa harap ng Landmark, unang lane mula sa bike lane
EDSA – Southbound:
– EDSA, opposite ng Trinoma Mall, ikalawang lane mula sa sidewalk, southbound
– Agham Road., sa harap ng Office of the Ombudsman, unang lane mula sa center island. Maaring dumaan sa North Avenue, Quezon Avenue, at EDSA bilang alternatibong ruta.
– West Avenue, Times Street hanggang Quezon Ave., unang lane mula sidewalk
Maaari nang daanan ng mga motorista ang mga nabanggit na kalsada simula 5:00, Lunes ng madaling-araw, May 3.
Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada at dumaan sa alternatibong ruta.