Isang pulis, nasawi dahil sa COVID-19

Aabot sa 147 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (April 29), 20,150 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,722 ang aktibo pang kaso.

198 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 18,372 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 56 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...