Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 151.14 milyon

Pumalo na sa 151.14 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 151,143,582 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 33,044,068 cases.

Sumunod na rito ang India na may 18,762,976 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 14,592,886 naman ang kaso sa Brazil habang 5,592,390 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,796,557
– Turkey – 4,788,700
– United Kingdom – 4,414,242
– Italy – 4,009,208
– Spain – 3,514,942
– Germany –  3,373,557
– Argentina – 2,954,943
– Colombia – 2,841,934
– Poland – 2,785,353
– Iran – 2,479,805
– Mexico – 2,340,934
– Ukraine – 2,059,465

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,179,495 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 129,089,940 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...