Pero ngayon, hindi na kailangang isipin kung ano nga ba ang English term para sa salitang “kilig” dahil opisyal na itong napasama sa Oxford English Dictionary.
Sa inilabas na bagong world list ng Oxford as of March 2016, ang salitang “kilig” ay inilarawan bilang noun at adjective.
Nakasaad sa Oxford na ang “kilig” bilang adjective ay nangangahulugan ng pagpapahayag ng kasiyahan ng taong may exciting o romantic experience.
“Of a person: exhilarated by an exciting or romantic experience; thrilled, elated, gratified,” or “Causing or expressing a rush of excitement or exhilaration; thrilling, enthralling, captivating.” Ayon sa Oxford English
Bilang noun, inilarawan naman ang “kilig” bilang excitement o labis na pagiging masaya. “Exhilaration or elation caused by an exciting or romantic experience; an instance of this, a thrill”.
Isinama din sa diksyunaryo ang mga salitang “kilig to the bones”, “kilig factor”, at “kilig moment”.
Noong nakaraang taon, kabilang sa Filipino words na napasama sa Oxford English Dictionary ang mga salitang “suki”, KKB o kani-kaniyang bayad, at “kikay”.