Naganap ang lindol sa karagatan ng Pacific island nation na Vanuatu ayon sa US Geological Survey (USGS).
Naitala ang epicenter ng lindol sa 84 miles (135 km) northwest sa bayan ng Santo at may lalim itong 6.2 miles (10 km).
Ayon sa Pacific Tsunami Warning Center, wala namang banta ng tsunami matapos ang nasabing pagyanig.
Inaalam pa rin kung nagdulot ng pinsala ang lindol.
Magugunitang noong April 7, 2016, niyanig ng malakas na magnitude 6.9 na lindol ang Vanuatu.
Ang Vanuatu ay isang South Pacific Ocean nation na mayroong 80 isla.
Kilala ang mga isla sa scuba diving at coral reefs, gayundin sa underwater scenes gaya ng wreckage ng barko noong WWII na SS President Coolodge.