Pumalo sa nakakapasong 43 degrees Celsius (43°C) ang heat index na naitala ng PAGASA sa Metro Manila kahapon, Huwebes.
Ang aktuwal na temperaturang naitala ng PAGASA ay umabot na rin sa 36.4 degrees Celsius.
Sa kasalukuyan, ito na ang pinakamataas na antas ng temperatura sa taong ito sa Kalakhang Maynila.
Sa Cabanatuan, naitala ang heat index sa 47.7 degrees.
Ang init factor o heat index ang nararamdaman ng katawan ng tao batay sa air temperature at humidity.
Ang 41 degrees Celsius ay itinuturing nang ‘danger level’ para sa isang indibidwal na mananatiling nakababad sa matinding sikat ng araw.
Sakaling maapektuhan ng matinding init factor, maaring makaranas ng heat exhaustion, heat cramps o ang mas malalang heat stroke ang isang indibidwal.
Ang pinakamataas na naitalang heat index ay naitala sa Nueva Ecija noong Lunes, na 51 degrees Celsius.