No Contact Apprehension Policy ng MMDA, simula ngayong araw

Inquirer file photo

Ngayong araw ng Biyernes, April 15 na sisimulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng “No Contact Apprehension Policy.”

Sa ilalim ng MMDA Resolution No. 16-01 Series 2016 o “No Contact Apprehension Policy,” hindi na paparahin at patatabihin ng mga MMDA traffic enforcer ang mga driver na lalabag sa anumang batas trapiko.

Sa halip na gawin ang nakagawiang pagpa-para ng mga pasaway na motorista na minsan ay nakikipaghabulan pa, may bago nang diskarte ang MMDA.

Babantayan na lamang nila ang mga paglabag sa batas trapiko sa pamamagitan ng kanilang mga CCTV cameras.

Oras na may makita silang lumabag sa batas trapiko, papadalhan sila ng liham tungkol dito at bibigyan lamang sila ng 5 araw para sagutin ang nasabing paglabag.

Sakaling lumipas na ang 10 araw at wala pa ring tugon mula sa motorista, magpapataw na ng multa ang MMDA at lalabas ito sa susunod na renewal ng registration ng sasakyan.

May karapatan naman ang mga motorista na umalma sa paglabag na tinutukoy ng MMDA traffic adjudication division (TAD) sa loob ng pitong araw.

Read more...