4 timbog sa higit P1 milyon halaga ng party drugs

PDEA PHOTO

Arestado ang apat katao, kabilang ang isang freelance artist, matapos silang makumpiskahan ng mga ahente ng PDEA ng higit P1 milyong halaga ng ibat-ibang uri ng party drugs sa Quezon City.

Kinilala ang apat na sina Louise Alexandra Santos, ang freelance artist; Merciano Gopo, Richard Susano at Ashley Fetalvero.

Nakuha sa kanila ang 150 piraso ng ecstasy tablets, 210 piraso ng Molly, 180 gramo ng kush o high grade marijuana, 10 gramo ng cocaine, mga gamit sa repacking ng droga at drug paraphernalia.

Sinabi ni Dir. Derrick Carreon, ang tagapagsalita ng PDEA, alas-2:20 ng hapon nang ikasa ng mga ahente ng PDEA – Southern District Office ang buy-bust operation sa isang bahay sa Mozart St., Barangay Sauyo.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat na naaresto.

Read more...