Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (April 29), pumalo na sa 1,028,738 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 69,354 o 6.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 8,276 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
94.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.6 porsyento ang asymptomatic; 0.92 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 1.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 114 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 17,145 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,636 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 942,239 o 91.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.