Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 29, nasa 18,325 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,947 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
13 naman ang bagong gumaling kung kaya 11,233 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,145 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,453 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,356 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 957 naman ang kaso sa Americas at 3,559 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.