Itinuturing pa rin na ilegal pa rin ang paggamit ng Ivermectin bilang pangontra sa COVID 19, ngunit sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra kikilos na lamang sila kung may pormal ng naghain ng kaso.
“Our prosecutors will make a ruling when the issue is actually before them. For now, it’s the call of law enforcement agents,” sabi ni Guevarra.
Ngunit aniya hanggang walang ‘go signal’ ang Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng Ivermectin sa COVID 19, lalabag pa rin sa batas ang magpapakalat ng naturang gamot.
Una nang sinabi ng FDA na ang Ivermectin na na nakarehistro sa kanila ay gamot kontra bulate sa mga hayop.
Kanina ay dinumog ang pamamahagi ng dalawang partylist solons ng Ivermectin sa isang barangay sa Quezon City at sinabi ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor haharapin niya ang kaso na isasampa laban sa kanya.