Sinabi ni CIDG director, Ma. Gen. Albert Ferro nang ma-admit sa ospital si Cam ay inutusan nito ang kanyang security detail na makipag-ugnayan sa awtoridad para sa kanyang pagsuko.
Aniya sa isang ospital na sa Calabarzon nila isinilbi ang warrant of arrest.
Noong Lunes, naglabas na ng warrant of arrest ang isang korte sa Maynila laban kay Cam at sa anak nitong si Marco Martin kaugnay sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson.
Pinagbabaril at napatay si Yuson habang nag-aalmusal sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 9, 2019.
Tinalo ni Yuson ang nakakabatang Cam noong 2019 local elections.
Naninindigan naman si Cam na wala siyang kinalaman sa pagpatay at aniya haharapin niya ang kanyang kaso.
Ipinaaaresto din ng korte si Batuan Vice Mayor Nelson Cambaya at apat iba pa.