Suspensyon ng truck ban sa NCR, epektibo pa rin hanggang May 14

Pinalawig ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang suspensyon ng truck ban sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa MMDA, magpapatuloy ang suspensyon hanggang May 14, 2021.

Kasabay ito ng muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa tinatawag na NCR plus kabilang ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang sa nasabing petsa.

Sinabi ng MMDA na layon ng suspensyon na masigurong hindi maaantala ang delivery ng mga pangunahing pangangailangan.

Read more...