Aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nasa 1,776

Aabot sa 169 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (April 28), 20,009 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,776 ang aktibo pang kaso.

202 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 18,178 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala muling napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 55 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...