Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 3.16 milyon na

(FILES) In this file photo taken on February 25, 2021 a worker wearing a protective suit and carrying an umbrella walks past the graves of COVID-19 victims at the Nossa Senhora Aparecida cemetery, in Manaus, Brazil. – Brazil registers record of 1,641 Covid-19 deaths in 24 hours, on March 2, 2021, according to official sources. (Photo by MICHAEL DANTAS / AFP)

Lagpas 3.16 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,164,170 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 588,337.

Sumunod na rito ang Brazil na may 398,343 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 215,918 naman ang death toll sa Mexico habang 204,832 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,480
– Italy – 120,256
– Russia – 109,367
– France – 103,918
– Germany – 83,018
– Spain – 77,943
– Colombia – 72,725
– Iran – 70,966

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 150,242,628 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 128,304,355 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...