COVID-19 vaccination rollout sa Kamara ikakasa sa Mayo

Sisimulan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paglalatag ng kanilang COVID-19 Vaccination Program sa susunod na buwan.

Ayon kay HREP CongVax Head at Bataan Representative Jose Enrique “Joet” Garcia III, ang bakuna ng Sinovac ang gagamitin sa pagsisimula ng vaccine rollout sa Kamara na mula naman sa national government.

Hiwalay pa ito sa P50 milyong inilaan ng Kamara para sa 60,000 Novavax doses ng Serum Institute of India na inaasahang darating naman sa Hulyo.

Tiniyak ni Garcia na mahigpit na susundin ng Mababang Kapulungan ang priority list ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbabakuna sa kanilang mga kawani, ang  medical frontliners, senior citizens at mga may comorbidities.

Maging ang mga kongresista aniya ay maaaring magpabakuna sa Kamara pero inaasahang marami na sa mga ito ang magpapaturok na ng COVID-19 vaccines sa kanilang mga distrito o probinsiya.

Read more...