Kasabay, sinabi din ng namumuno sa House Ways and Means Committee na nakikipag-usap na sila sa Department of Finance para masingil ng buwis ang online games, kasama na ang sumisikat na e-sabong.
Katuwiran ni Salceda at aniya base sa pakikipag-usap niya sa industry players sa digital gaming sector, tumaas ang kita ng mga ito dahil naka-quarantine at nasa loob lang ng bahay ang mga tao.
Sabi ni Salceda; “when the quarantines would force people to stay home, their revenues shoot up. That is the main reason why I decided to propose fair taxes on them.”
Umaasa ito na magpapasa ng katulad na panukala sa Senado.
“The Secretary of Finance and I are working very closely on finding new revenues from gaming, because while some games are suffering, many others are gaining strength. The DOF and my Committee are more or less in agreement about e-sabong taxes, and I expect the Senate to pass its own version soon,” dagdag ni Salceda.
Tiniyak ni Salceda na handa ang kanyang komite na makipagtulungan sa PAGCOR para mapataas ang kita nito at ma-sustain ang pagpopondo sa Universal Health Care.
Una rito, nagbabala ang PAGCOR na baka bumaba ang kanilang kontribusyon sa UHC dahil aabot sa P15M ang nawawalang kita sa kanila kada araw dahil sa quarantines.