‘Do not give me that s**t!’ – Pangulong Duterte sa mayors, mga punong barangay

PCOO PHOTO

Papanagutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayor at kapitan ng barangay kapag may mga naging pasaway at hindi sumunod sa mga quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, inatasan niya ang DILG na papanagutin ang mga mayor at kapitan ng barangay dahil sa kabiguan na ipatupad ang batas.

“Ngayon ang gawin ko ganito, I will hold responsible and I will direct the secretary of the Local Government, DILG, to hold the mayors and responsible for these kind of events happening in their places. It is a violation of the law and if you do not enforce the law, there is a dereliction of duty which is punishable under the Revised Penal Code. So the DILG can proceed against you for not doing your duty as mayor or as a barangay captain, but not so much about the mayor. Nandiyan lang ‘yan kasi nandiyan na ‘yong liability, ” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo nakikita niya sa nga balita na marami ang nahuhuli dahil sa quarantine violations na dahilan kung kaya patuloy na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

“Now, itong mga barangay captain ang problema kasi maliit ang barangay. Do not give me that s*** about hindi mo alam. So the local government will go after you administratively and criminally,” pahayag ng Pangulo.

Banta ng Pangulo, kung mayroon pang pistahan o sawayan sa isang lugar, kasong kriminal at administratibo ang kakaharapin ng mga kapitan ng barangay at mayor.

” Kapag may nangyari pang pistahan o sayawan diyan, ang tawagin ng DILG ang mayor pati ang barangay captain, and then he will proceed to enforce the law. Since he is my alter ego dito nga sa sinabi ko, DILG nandito eh, it’s a civilian department; and he can exercise that power. So siya na, ” pahayag ng Pangulo.

Read more...