Itinuturing ng OCTA Research Group na naging matagumpay ang mga ipinatupad na community quarantine nitong mga nakalipas na linggo para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Laging Handa Publoc Briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group na nagbunga ng maganda ang quarantine measures dahil nagawang mapababa ang reproduction rate ng virus mula sa dalawa na ngayon ay nasa 0.85 na lamang.
Bukod dito, ang average number of cases sa National Capital Region na 5,500 cases ay nagawang mapababa ng 36 porsyento o 3,500 cases na lamang.
Bumaba rin aniya ang positivity rate sa 18 porsyento, kaya’t masasabi na ang galaw ng mga numero o datos ay patungo na sa tamang direksyon.
READ NEXT
BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 67,000; 6,895 ang bagong napaulat
MOST READ
LATEST STORIES