Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (April 28), pumalo na sa 1,020,495 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Kapansin-pansin na unti-unting bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 67,769 o 6.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,895 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
94.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.6 porsyento ang asymptomatic; 0.95 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 1.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 115 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 17,031 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10,739 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 935,695 o 91.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.