Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi nina Professor Ranjit Rye at Dr. Guido David ng OCTA Research Group na punuan pa ang mga ospital ng mga pasyente na positibo sa COVID-19.
Umiiral pa ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Abril.
Ayon sa dalawang opisyal, hindi pa maaring mag-transition sa general community quarantine dahil nasa 3,500 pa ng kaso ng COVID-19 ang naitatala kada araw.
Kapag kasi aniya niluwagan ang quarantine protocols, maaring tumaas muli ang matatamaan ng virus.
Gugugol anila ng panahon bago maibaba ang kaso ng COVID-19.
Mas makabubuti anila kung palalawigin pa ang MECQ ng isang linggo pa.