31 pang overseas Filipinos, nagpositibo sa COVID-19

May 31 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 28, nasa 18,301 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,936 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala namang bagong gumaling kung kaya 11,220 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Apat naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,145 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,443 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,355 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 957 naman ang kaso sa Americas at 3,546 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...