Gastos ng DOH sa COVID-19, pinabubusisi ni Sen. Recto

Gusto ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na mabusisi sa Senado ang paggasta ng Department of Health o DOH para sa mga kagamitan sa mga pampublikong ospital.

Kasunod ito ng ulat sa diumano’y kapalpakan ng DOH sa pagbili ng 200 ICU beds na inialok ng isang Austrian company.

“In any war, we should always look at the logistics. For the frontlines to keep on fighting, the supply lines must keep on running,” sabi pa ni Recto kasunod na rin ng ulat na higit isang milyon kaso na ng COVID-19 ang naitatala sa bansa.

Puna ni Recto, ang mga naitalang karagdagang medical ventilators sa mga ospital, pribado at pampubliko ay hindi sapat para sa sitwasyon sa kasalukuyan.

“The data should be unbundled so we will know the inventory in government hospitals. Dito dumadagsa ang mga mahihirap, kaya dapat alam natin kung sapat ba ang kanilang mga ICU units, ventilators, high-flow oxygen therapy machines,” aniya.

Binanggit ni Recto na mula 2019 hanggang ngayon, P43.7 bilyon ang nailaan sa DOH para sa pagbili ng mga kagamitan at pagpapatayo ng mga istraktura, bukod pa sa nailaan sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

Read more...