122 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Aabot sa 122 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (April 27), 19,850 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,809 ang aktibo pang kaso.

176 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 17,986 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala muling napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 55 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...