Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 149.33 milyon

Pumalo na sa 149.33 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 149,338,174 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 32,927,091 cases.

Sumunod na rito ang India na may 17,988,637 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 14,446,541 naman ang kaso sa Brazil habang 5,534,313 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 4,779,425
– Turkey – 4,710,582
– United Kingdom – 4,409,631
– Italy – 3,981,512
– Spain – 3,496,134
– Germany –  3,326,778
– Argentina – 2,905,172
– Colombia – 2,804,881
– Poland – 2,768,034
– Iran – 2,438,193
– Mexico – 2,333,126
– Ukraine – 2,038,248

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,148,894 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 127,497,405 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...