Navotas Rep. Tiangco nagpositibo sa COVID-19 antigen swab test

 

Nagpositibo sa COVID-19 antigen test si Navotas Rep. John Rey Tiangco.

Inanunsyo ito ng mambabatas sa kanyang official Facebook page.

Sasailalim aniya ito  sa  RT -PCR swab test ngayong araw upang makumpirma.

Pero agad na siyang nag-quarantine matapos lumabas ang antigen result at maayos naman ang kanyang pakiramdan.

Hinikayat din nito ang kanyang mga nakasalamuha na sumailalim sa swab test.

Libre aniya ang RT-PCR swab test sa Navotas kaya makipag-ugnayan lamang sa barangay o health center.

 

 

Read more...