Higit 26,000 local at overseas jobs, alok sa Labor Day online job fairs

DOLE photo

Humigit-kumulang 26,000 local at overseas job opportunities ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isasagawang online job fairs sa buong bansa simula sa May 1, Labor Day o Araw ng mga Manggagawa.

Hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga aplikante na samantalahin ang online job fair.

May alok na local at overseas vacancies ang 567 employers na kabilang sa industriya ng manufacturing, business process outsourcing, health services, retail, at construction.

Nasa 23,000 local vacancies ang binuksan ng 522 employers para sa production operators, factory workers, customer service representatives, nurses, cashiers, baggers, mason, at karpintero.

Samantala, higit 3,000 overseas jobs naman ang alok ng 45 employers kabilang ang nurses, factory workers, mechanics, nursing aides/ healthcare assistants, at cleaners.

Gagawing virtual ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job and Business Fair ng Bureau of Local Employment, DOLE Regional Offices, at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang tumalima sa pagbabawal sa mass gatherings.

Sa mga naghahanap ng trabaho sa Luzon, narito ang mga link kung saan maaaring mag-apply:

National Capital Region (May 1) – https://jobquest.ph/

Cordillera Administrative Region (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Ilocos Region (May 1–2) – https://bit.ly/wb-dole1-reg

Cagayan Valley Region (May 1–5) – jobstreet.com.ph/vcf21

Central Luzon (May 1) – https://www.vantagehunt.com/

Bataan Province (May 14) – https://hotjobsbataan.com/

CALABARZON (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

https://forms.gle/DkJLqxRvjkbShVpK7

MIMAROPA (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Bicol Region (April 30 – May 2) – https://bit.ly/wb-dole5-reg

Sa Visayas naman, pumunta lamang sa mga sumusunod na link:

Western Visayas (May 1) – https://www.mynimo.com/dole6applicants

Central Visayas (May 1) – https://www.mynimo.com/dole7applicants

Eastern Visayas (May 1-3) – jobstreet.com.ph/vcf21

Maaari namang bumisita ang mga interesadong aplikante sa Mindanao sa mga sumusunod na site:

Zamboanga Peninsula (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Northern Mindanao (April 30-May 1) – https://www.mynimo.com/dole10applicants

Davao Region (May 1) – https://facebook.com/DOLERO11

SOCCSKSARGEN (May 1) – https://bit.ly/wb-dole12-reg

CARAGA (May 1) – jobstreet.com.ph/vcf21

Katuwang ng DOLE sa online job fairs ang JobStreet, JobQuest, Workbank, Vantagehunt, Mynimo, Hotjobs, Zoom, at network ng Public Employment Service Offices (PESO) sa buong bansa.

Ang ika-119 Araw ng mga Manggagawa ay may temang, “Mayo Uno sa Bagong Panahon – Manggagawa at Mamamayan: Babangon, Susulong!”

Read more...