LOOK: Sunog sa isang residential area sa Maynila

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Maynila, Martes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), apektado ng sunog ang bahagi ng Victoria Street sa Intramuros.

Ibinahagi ng Manila Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang ilang larawan sa insidente sa lugar.

Manila DRRM Office Facebook photo
Manila DRRM Office Facebook photo
Manila DRRM Office Facebook photo

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Idineklarang fire under control sa lugar dakong 5:51 ng hapon.

Iniimbestigahan pa ng BFP NCR ang sanhi ng pagsiklab ng sunog sa nasabing lugar.

Read more...