Pondo ng NTF-ELCAC, hindi dapat tanggalin

Kuha ni Erwin Aguilon

Tutol si House Ways and Means committee chairman Joey Salceda na tanggalin ang nasa P16 billion na nasa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Salceda, ang mga proyektong ito ay katulad ng Bottom-Up Budgeting kaya dapat panatilihin at magkaroon lamang ng adjustments sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad.

Paliwanag nito, napagkakamalan lamang ito na direktang national security budget dahil sa label pero para talaga ito sa countryside development.

Ibig sabihin aniya ay kapag nagtayo ng mga kalsada sa buong bansa, lumilikha ng oportunidad para sa pag-unlad ng ekonomiya at nababawasan ang mga dahilan ng paglahok sa armed conflict na ang ugat ay kahirapan.

Dagdag pa nito, ang development programs sa ilalim ng task force ay pagtanggap na mayroong mga solusyon sa armed conflict na hindi military in nature.

Kaugnay nito’y isusulong ni Salceda sa bicameral conference committee na magkaroon ng adjustments sa items sa nasabing pondo para makatulong na maibsan ang pinsala ng Bagyong Rolly.

Read more...