Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (April 27), pumalo na sa 1,013,618 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 71,675 o 7.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 7,203 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
95.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.5 porsyento ang asymptomatic; 0.90 porsyento ang moderate; 1.3 porsyento ang severe habang 1.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 63 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 16,916 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10,109 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 925,027 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.