15 pang overseas Filipinos, nasawi dahil sa COVID-19

May 17 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 27, nasa 18,270 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 93 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,909 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

26 naman ang bagong gumaling kung kaya 11,220 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

15 naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,141 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,442 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,355 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 954 naman ang kaso sa Americas at 3,519 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...