Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 3.13 milyon na

Lagpas 3.13 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,134,302 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 586,611.

Sumunod na rito ang Brazil na may 392,204 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 215,113 naman ang death toll sa Mexico habang 197,894 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,434
– Italy – 119,539
– Russia – 108,588
– France – 103,256
– Germany – 82,344
– Spain – 77,738
– Colombia – 71,799
– Iran – 70,070

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 148,506,152 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 126,643,616 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...