97 pang pulis, tinamaan ng COVID-19

Aabot sa 97 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (April 26), 19,735 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,863 ang aktibo pang kaso.

164 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 17,817 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 55 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...