Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Makati

Makati LGU photo

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Makati City, Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR), apektado ng sunog ang bahagi ng Sacramento Street sa Barangay Olympia.

Malapit ang insidente ng sunog sa Nicanor Garcia Elementary School.

Itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 7:14 ng gabi at mabilis itong umabot sa ikatlong alarma dakong 7:23 ng gabi.

Tuluyan namang naapula ang sunog bandang 8:15 ng gabi.

Patuloy pang inaalam ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar.

Read more...