Halos 600 railway personnel, naka-recover na sa COVID-19

Umabot na sa 594 rail service personnel ang naka-recover sa COVID-19.

Sa datos hanggang 5:00, Linggo ng hapon (April 25), 6,154 railway personnel na ang sumailalim sa COVID-19 testing.

Sa 1,178 LRT-1 personnel na nasuri, 25 ang aktibong COVID-19 cases habang 162 ang gumaling.

Sa LRT-2 naman, 1,937 ang nakapagpasuri na kung saan 169 ang tinamaan at 167 ang naka-recover sa nakakahawang sakit.

Sa 1,750 tauhan ng MRT-3, 144 ang active COVID-19 cases habang 193 ang gumaling na.

Samantala, 181 naman ang tinamaan at 72 ang naka-recover sa nasuring 1,289 PNR personnel.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mass testing sa lahat ng railway personnel upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Read more...