11 senador, kinondena ang mga ilegal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea

Inquirer file photo

Sinuportahan ng 10 senador ang iniakdang resolusyon ni Minority Leader Frank Drilon na kumukondena sa mga sinasabing ilegal na aktibidad ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Nakasaad sa Resolution 708, ang pananatili ng Chinese vessels sa West Philippine Sea na malinaw na nakapaloob pa sa teritoryo ng Pilipinas ay paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea at sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016.

Sinusuportahan ng resolusyon ang posisyon nina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., at Defense Sec. Delfin Lorenzana.

“China should not be allowed to rewrite or nullify the UNCLOS, which was painstakingly negotiated and ratified by various States, as such blatant disregard of established international law not only has serious ramifications on a rules-based international order but likewise deprives Philippine fishermen of livelihood, prevents the Philippines from fully taking advantage of the resources within its exclusive economic zone, causes irreparable damage to the marine environment due to pollution and destruction of coral reefs, and serves to militarize the South China Sea,” ayon sa resolusyon.

Naging co-authors ng resolusyon sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Sens. Nancy Binay, Leila De Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Lito Lapid, Francis Pangilinan, Grace Poe, Joel Villanueva, at Bong Revilla.

Read more...