Ginawa ito ni Marcos matapos punahin ang pagkakaantala ng pagdating ng mga bakuna sa bansa.
“Let’s use preventive treatments and repurposed drugs while waiting for the vaccines. Setbacks in delivery timelines are taking place worldwide, not just in the Philippines,” sabi nito.
Giit niya, kailangan ng ‘back up plan’ dahil walang katiyakan ang suplay ng bakuna maging sa mga darating na buwan.
Isa sa mga nabanggit ni Marcos na maaring ikunsidera ay ang Ivermectin, gayundin ang hydroxychloroquine, at ang isang povidone-iodine throat spray na sinubukan sa Singapore sa 3,000 trial participants.