Inihayag ng PAGASA na walang bagyo o anumang sama ng panahon ng nakakaapekto sa anumang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, tanging ang Northeasterly windflow lamang ang patuloy na umiiral sa Northern at Central Luzon.
Hanggang Lunes ng gabi, April 26, asahan pa rin aniya ang mainit at bahagyang maalinsangang panahon sa bansa.
May tsansa aniyang makaranas ng mga panandaliang ulan ngunit bunsod ng localized thunderstorms.
Sa araw ng Martes, April 27, patuloy na mararamdaman ang mainit at bahagyang maalinsangang panahon sa bansa.
Ani Perez, maari magkaroon ng isolated rainshower o thunderstorm, lalo na sa hapon o gabi.
MOST READ
LATEST STORIES